header image
Simula arrow Patawa arrow Return to Sender
Return to Sender PDF Print E-mail

Hindi niya akalain na mangyayari sa kanya iyon. Wala pang tatlong buwan silang magkatipan ng kanyang nobya na nasa Maynila at doon nagtatrabaho ay pinalitan na siya.

Isang araw, nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang nobya. Tapos na raw ang lahat sa kanila at binabawi na nito ang litrato na ibinigay sa kanya. Sinabi rin nitong ipadala ang litrato sa madaling panahon by return mail. Binigyan pa siya ng selyo.

Nag-isip ng mabuti ang lalaki kung ano ang kanyang gagawin sa masakit na kapalarang sinapit mula sa nobya. Nanghiram siya ng litrato ng iba't-ibang babae mula sa mga kaibigan, inilagay ito sa kahon at sinamahan ng isang sulat na nagsasabing: "Hindi ko matandaan ang itsura mo. Piliin mo na lang sa mga litratong nandito kung sino ka. Paki- balik na lamang ang iba."


Ipinadala ni: Maria Cristina Falls

Bilang ng Bisita
We have 65 guests online
Sumali sa Balitang Bayan